Ex-pulis,1 pa timbog sa pangongotong
May 1, 2004 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga ahente ng NBI ang isang dating opisyal ng PNP at kasama nito makaraang magpanggap na mga NBI agents at nangotong sa may-ari ng talent center.
Nakilala ang mga nadakip na sina ret. Inspector Julio Castelo, dating miyembro ng WPD at Danny Jimeno.
Ang dalawa ay nahuli ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation sa loob ng isang restoran sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasama ang kanilang bibiktimahing sina Emmie Ogasawara, may-ari ng Talent Training Center at Socorro Fermin, kaibigan ni Ogasawara.
Sinabi ni Ogasawara, sapilitan siyang hinihingan ni Jimeno ng halagang P10,000 bilang paunang bayad sa halagang P320,000 na umano ay utang nito sa amo ni Jimeno na nakilalang si Yokohama Minehiro.
Sinabi ng biktima na hindi siya kailangang magbigay ng ganoong halaga dahil hindi niya ito pagkakautang.
Idinagdag pa ng biktima na madalas siyang puntahan ng mga suspect sa kanyang tanggapan at tinatakot na may mangyayari sa kanyang masama kung hindi siya magbibigay ng pera.
Dahil dito ay napilitang lumapit ang biktima sa NBI ay inihanda ang operasyon na naging daan sa pagkakadakip sa dalawa.
Nagtangka pang tumakas si Jimeno subalit hindi rin siya nakaligtas sa mga NBI agent. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended