^

Metro

Life hatol sa 3 Chinese na pusher ng droga

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol kahapon ng Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa tatlong Chinese dahil sa pagbebenta ng droga apat na taon na ang nakakaraan sa Binondo.

Base sa 17 pahinang desisyon ng RTC branch 2, bukod sa habambuhay na pagkakulong pinagbabayad din ng korte ang bawat isang akusado na sina Hong Yen , alyas Agi/ Benjie Ong; Gun Lie Ang at Tsien Tsien Chua ng halagang P500,000.

Sinabi ni Assistant City Prosecutor Alexander Yap, naaresto ng mga operatiba ng NBI ang mga akusado noong Setyembre 6, 2001 sa isang food chain na matatagpuan sa Masangkay St., Binondo, Maynila dakong alas-12 ng madaling-araw. Ang tatlo ay sinasabing responsable sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Binondo at mga kalapit lugar sa Metro Manila.

Nasamsam sa mga ito sa isinagawang buy-bust operation ang may 1,716 gramo ng shabu. (Ulat ni Gemma Amargo)

ASSISTANT CITY PROSECUTOR ALEXANDER YAP

BENJIE ONG

BINONDO

GEMMA AMARGO

GUN LIE ANG

HONG YEN

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MASANGKAY ST.

METRO MANILA

TSIEN TSIEN CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with