^

Metro

15,000 kilalang personalidad nasa watchlist ng PDEA

-
Umaabot sa kabuuang 15,000 mga kilalang personalidad na kinabibilangan ng mga artista, singers, pulitiko, at star players ang nasa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay na rin ng pinalakas na anti-drug campaign ng pamahalaan.

Ito ang nabatid kahapon kay PDEA Executive Director General Anselmo Avenido Jr. kasunod ng pagkakatimbog sa dating teen idol na si William Martinez na lumabas na positibo sa paggamit ng shabu.

Ayon kay Avenido, sa kasalukuyan ay may 15,000 katao silang minamanmanan base sa mga natanggap na intelligence information at mga pangalang isinumbong mismo ng ilang lokal na opisyal mula sa barangay level pataas dahil sa pagkakasangkot at pagkagumon sa ilegal na droga.

Nabatid na bago pa masabat ang aktor sa PAL domestic terminal patungong Dipolog City ay may mga tinitiktikan na silang mga artista na kabilang sa kanilang watchlist.

Sinabi pa ni Avenido na hindi nila partikular na tinututukan ang mga artista dahil nadakip lamang si Martinez. Lahat umano ng kasama sa kanilang watchlist na kinabibilangan din ng ilang mga kilalang personalidad at maging mga kilalang negosyante basta kabilang sa kanilang watchlist ay kanilang tinutugaygayan.

Maging sa hanay ng mga pulitiko ay mayroon din silang minamanmanan.

Binigyang diin pa nito na walang sasantuhin ang anti-drug campaign ng pamahalaan at patuloy ang kanilang puspusang operasyon laban sa naglipanang ilegal na droga at maging sa mga personalidad na sangkot dito. (Ulat ni Joy Cantos)

AVENIDO

AYON

BINIGYANG

DIPOLOG CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE DIRECTOR GENERAL ANSELMO AVENIDO JR.

JOY CANTOS

WILLIAM MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with