6 na miyembro ng 'Tir-tir',nalambat
April 30, 2004 | 12:00am
Sinalakay ng mga tauhan ng WPD ang umanoy pinagkukutaan ng Tir-Tir drug gang sa Tondo, Maynila kung saan anim na miyembro ng kilabot na grupo ang nadakip, kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang mga nadakip na sina Arceli Sabile, 54; Filomena Artus, 52; Diomedes Bautista, 42; Ana Nicomedus, 31; Rogelio Javier, 44; at Manuel Pealago, 36.
Narekober sa mga suspect ang 11 plastic sachet na naglalaman ng shabu at tumitimbang ng 100 gramo; dalawang kalibre .45 baril, mga bala, mga shabu paraphernalias at P50,000 cash.
Nabatid sa ulat na sinalakay ng mga awtoridad ang naturang lugar matapos na makatanggap ng report na doon nagkukuta ang grupo na responsable sa pagpapakalat ng shabu sa lugar.
Armado ng search warrant na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court, sinalakay ng mga pulis ang lugar dakong ala-1 ng madaling-araw. Naaktuhan ang mga suspect habang abala sa pagbabalot ng mga ibebentang shabu. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am