^

Metro

Bitay sa kumidnap, pumatay ng trader

-
Parusang kamatayan ang iginawad ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) laban sa dalawang kidnaper na dumukot at pumatay sa isang negosyante dalawang taon na ang nakakaraan.

Sa walong pahinang desisyon na ibinaba ni QCRTC Judge Vivencio Baclig ng branch 76, ang nahatulan ng bitay ay ang mga akusadong sina Gregorio Lazaro at Mariano Domingo.

Bukod dito, pinagbabayad din ng korte ang dalawang akusado ng P426,781 bilang danyos sa pamilya ng biktimang si Jomel Mendiola.

Base sa rekord ng korte, naganap ang pagdukot sa biktima noong Setyembre 22, 2002 dakong alas-8:30 ng gabi nang ihatid ng biktima ang kanyang nobya na si Jaimie Liu sa bahay nito sa Loyola Heights, Quezon City.

Matapos maihatid ang nobya ay inabangan ng mga akusado si Mendiola at sapilitang ipinasok sa isang van at saka itinakas.

Gayunman, agad na natuklasan ng pulisya ang pangingidnap kung saan nasabat ang mga suspect malapit sa memorial Circle, gayunman patay na nang makita ang biktima na nakatali ng nylon cord at may tama ng bala ng baril sa dibdib at nakaupo sa harap ng sasakyan malapit sa driver seat. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BUKOD

GREGORIO LAZARO

JAIMIE LIU

JOMEL MENDIOLA

JUDGE VIVENCIO BACLIG

LOYOLA HEIGHTS

MARIANO DOMINGO

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with