Motorsiklo sinalpok ng truck,ginang patay
April 30, 2004 | 12:00am
Isang ginang ang nasawi, habang sugatan naman ang kanyang mag-ama nang salpukin ng isang rumaragasang 10-wheeler truck ang sinasakyan nilang motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Quezon.
Sa ulat ng pulisya, nakilala ang nasawi na si Julieta Gonzales, 30, vendor, habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang mister na si Edgar, 38, at anak na si Gabriel, 17.
Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspect na si Gaspar dela Cruz, 22, driver ng Hino 10-wheeler container van.
Naganap ang trahedya dakong alas-4:20 ng madaling araw sa tapat ng New Commonwealth Market sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Napag-alaman na pa-U-turn ang mga biktima nang biglang sumulpot ang container van at sinalpok ang motorsiklong kinalululanan ng mag-anak.
Hiwa-hiwalay na tumilapon ang mga biktima kung saan agad na nasawi si Julieta.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa driver ng truck. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended