Ginang na Chinese pumalag sa karnaper,binoga
April 30, 2004 | 12:00am
Agaw-buhay sa pagamutan ang isang mayamang Chinese national na ginang nang manlaban ito sa dalawang karnaper na tumangay sa kanyang sasakyan, kahapon ng umaga sa San Juan, Metro Manila.
Ang biktima na patuloy na ginagamot sa Cardinal Santos Hospital sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa tiyan ay nakilalang si Amy Jinghon Choy, ng Pasadeña Drive Unit, Brgy. Pasadeña ng nabanggit na bayan. Samantala ligtas naman ang kanyang 6-anyos na anak na lalaki at ang kanyang 65-anyos na ina na kasama nito ng maganap ang insidente.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga habang binabagtas ng biktima sakay ng kanilang kulay maroon na Mitsubishi Adventure na may plakang WPB-412 ang kahabaan ng Paterno St. nang biglang harangin ng dalawang suspect na armado ng mga baril sakay sa isang kulay puting kotse.
Mabilis na bumaba sa kanilang sasakyan ang mga suspect at agad na tinutukan ang mga biktima, subalit nanlaban ang ginang kaya ito pinagbabaril ng mga suspect.
Matapos tamaan ay ibinaba ng mga salarin ang duguang biktima maging ang iba pang sakay nito at saka itinakas ang sasakyan.
Mabilis namang isinugod ng mga nakasaksi sa pagamutan ang ginang, habang isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa mga suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended