^

Metro

Comelec chief sa Pasay sinibak sa puwesto

-
Sinibak sa puwesto ang chairman ng Commission on Elections (Comelec) sa Pasay City dahil sa hindi umano patas na hakbangin nito kung saan may kinikilingang mga kandidato.

Inalis sa puwesto ng central office ng Comelec si Atty. Lope Gayo, na chairman sa Pasay City at itinalaga sa Navotas. Pinalitan ito ni Armando Mallorca.

Si Gayo ay inalis sa puwesto base sa inihaing petisyon sa tanggapan ng Comelec ng mga kandidato ng Lakas-CMD (Christian Muslim Democrat) dahil sa hayagang pagbibigay ng espesyal na atensyon at pabor sa mga kandidato ng kasalukuyang administrasyon sa pamahalaang lungsod.

Partikular na tinukoy ng LAKAS -CMD ang pagpayag ng nasabing opisyal sa hiling ng kampo ni re-electionist Mayor Wenceslao Trinidad na bakbakin ang mga nakakabit na posters ng LAKAS -CMD.

Nakapaloob pa sa naturang petisyon na nagdala umano si Atty. Gayo ng mga election paraphernalia sa tanggapan ng city treasurer na hindi ipinaaalam sa kandidatong kalaban ng administrasyon.

Iniangal din ng mga ito na maraming mga botante na nagpa-validate noong nakaraang registration ang nawala sa listahan at nagkakaligaw-ligaw ng mga voting precinct.

At para mabawasan ang tensyon sa lugar ay inalis si Gayo at inilipat ito sa Navotas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ARMANDO MALLORCA

CHRISTIAN MUSLIM DEMOCRAT

COMELEC

GAYO

LOPE GAYO

LORDETH BONILLA

MAYOR WENCESLAO TRINIDAD

NAVOTAS

PASAY CITY

SI GAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with