Sanggol inilublob sa balde at binuhusan ng alak ng ama
April 26, 2004 | 12:00am
Isang siyam na buwang sanggol ang inilublob sa balde ng tubig saka binuhusan ng alak ng sariling ama sa sariling bahay kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong child abuse si Winnie Viñas, 28, ng Kalye Onse, Rotonda, Barangay Culdesac, San Valley ng nabanggit na lungsod matapos itong ireklamo ng kanyang misis na si Eleonor, 30.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawang Viñas kung saan kasalukuyang umiinom ng alak ang suspect.
Nagalit ang suspect sa walang tigil na pag-iyak ng sanggol hanggang sa buhatin niya ito at dalhin sa banyo kung saan inilublob naman sa balde ng tubig.
Narinig ito ni Eleonor kung kayat pinuntahan niya ang kanyang mag-ama at nakita ang ginagawa ng kanyang asawa sa anak.
Sa kabila nito hindi pa rin tumigil sa pag-iyak ang sanggol kung kayat binuhusan na ito ng suspect ng gin na lalo namang nagpalakas ng iyak ng biktima.
Dahil dito humingi ng tulong si Eleonor sa mga kapitbahay at mga barangay official upang ipadakip ang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended