^

Metro

2 serial killer nasakote

-
Dalawang lalaki na miyembro ng isang fraternity at hinihinalang may kagagawan ng apat na sunud-sunod na pamamaslang sa pamamagitan ng pananaksak ang nadakip ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga suspect na sina Marte Mandiag, pangulo at adviser ng Tau Gamma Phi Fraternity, ng Morong Extension, Tondo at si Rolando Ilustre, 32, miyembro ng Batang City Jail.

Dinakip ang mga suspect matapos na ituro ng saksing si Alfredo Valencia na nanaksak at nakapatay sa pinakahuli nilang biktima na si Mighco Nikko Jabat, 14, ng Gagalangin, Tondo.

Nabatid na naglalakad dakong alas-11:30 ng gabi noong Abril 15 sa may Benita St., Tondo si Jabat kasama ang isang kaibigan nang sumulpot ang dalawang suspect buhat sa likuran at saksakin sa tagiliran ang biktima bago mabilis na tumakas.

Nabatid na sinaksak din ng dalawang suspect ng gabi rin iyong ang isa pang biktima na si Kevin Sobritchea, 15. Nagawa namang makaligtas ng biktima at maagap itong naisugod sa pagamutan.

Nadakip ang dalawang suspect dakong alas-9 ng gabi habang nakaistambay ang mga ito sa may Morong St. sa Tondo matapos ituro ni Valencia.

Bukod sa dalawang biktima, posible rin umano na ang mga nadakip ay responsable rin sa pananaksak at pagpatay sa mga biktimang sina Emmanuel Villar, 23; Mark Joseph Gonzales, 27 at Enrique Pascua, 25.

Inamin naman ng mga suspect na ginawa nga nila ang krimen, subalit hindi nila maipaliwanag kung bakit biglaan na lamang silang nananaksak at pumapatay.

Malaki ang paniwala ng pulisya na posible umanong nagti-trip ang mga suspect habang sabog sa ipinagbabawal na gamot. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALFREDO VALENCIA

BATANG CITY JAIL

BENITA ST.

DANILO GARCIA

EMMANUEL VILLAR

ENRIQUE PASCUA

KEVIN SOBRITCHEA

MARK JOSEPH GONZALES

MARTE MANDIAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with