^

Metro

Habambuhay sa 6 na Chinese drug dealer

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang iginawad kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa anim na Chinese national na nasamsaman ng may 364 kilo ng shabu noong Agosto 24, 2000 sa isang raid sa Barangay Bignay 2 sa Sariaya, Quezon.

Sa 14 na pahinang desisyon na inilabas ni QCRTC Judge Jaime Salazar, pinagmumulta din nito ng tig-P5 milyon ang mga akusadong sina Ng Yik Bun, Kwok Wai Cheng, Chang Chaun Shi, Chua Shiloyu Hwan, Kan Shun Min at Raymond Tan.

Ibinasura ng korte ang alegasyon ng mga akusado na wala silang alam sa nabanggit na kaso at mas binigyan ng bigat ng korte ang testimonya ng mga naiprisintang testigo ng pulisya.

Ang mga akusado ay nahuli ng mga awtoridad sa aktong nagkakarga ng droga sa loob ng isang L300 van.

Bukod dito, iniutos din ng korte na ilagak pabor sa gobyerno ang dalawang sasakyan na nakuha sa mga akusado na isang L300 van at isang Nissan Sentra. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

AGOSTO

BARANGAY BIGNAY

CHANG CHAUN SHI

CHUA SHILOYU HWAN

JUDGE JAIME SALAZAR

KAN SHUN MIN

KWOK WAI CHENG

NG YIK BUN

NISSAN SENTRA

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RAYMOND TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with