2 holdaper kinuyog ng taumbayan,todas
April 24, 2004 | 12:00am
Hinatulan ng kamatayan ng mismong humuling taumbayan ang dalawa sa tatlong holdaper na kanilang pinagtulungang gulpihin matapos na mambiktima ng isang taxi driver, kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.
Hindi pa nakikilala ang nasawing mga holdaper na kapwa tinatayang nasa gulang na 20-25, kapwa nakasuot ng puting t-shirt at maong na pantalon.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa may Remedios St., Malate Manila.
Ayon sa biktimang si Jesselton Romero, 40, driver ng hinoldap na taxi, ng Dasmariñas, Cavite pinara siya ng mga suspect sa may Pritil, Tondo at nagpahatid sa Malate.
Ilang minuto pa lamang nakakasakay ang tatlo ay naglabas na ang mga ito ng patalim at nagdeklara ng holdap. Matagumpay na nalimas ng mga suspect ang kinita ng biktima.
Hindi pa nakakalayo ang mga suspect ay nagsisigaw na ang biktima at humingi ng saklolo. Narinig naman ng mga taumbayan ang sigaw ng biktima at hinabol ng mga ito ang mga suspect.
Dalawa sa mga ito ang nakorner na pinagtulung-tulungan nilang gulpihin, habang nakatakas naman ang ikatlong suspect.
Isinugod pa ang dalawa sa Ospital ng Maynila ngunit hindi na rin umabot pang buhay. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended