WPD natakasan ng notoryus na dealer ng baril
April 23, 2004 | 12:00am
Bigo ang isinagawang raid ng Western Police District (WPD) sa isang hinihinalang bagsakan ng mga iligal na baril matapos na matakasan ng kilabot na dealer ng baril, kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.
Nagawang makatakas ng suspect na si Tommy Pundugar dahil sa pasikut-sikot na mga daan sa likod ng kanyang safehouse sa may #014 Brgy. 647 Zone 67, District VI, P. Casal St., Quiapo.
Nabatid na dakong alas-7:30 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ng District Police Intelligence Unit (DPIU) at Special Weapons and Tactics (SWAT) ang naturang lugar na armado ng search warrant dahil sa impormasyon ng iligal na operasyon ni Pundugar.
Nahirapan namang buksan ng mga pulis ang loob ng naturang bahay dahil sa ikinandado ito ng suspect. Huli na nang magawang makapasok ng mga pulis dahil sa tuluyang nakatakas na ang suspect.
Narekober naman sa naturang lugar ang isang granada, apat na molotov bomb, mga patalim, mga spare part ng mga baril at shabu paraphernalia.
Ayon sa pulisya, isang impormasyon ang natanggap nila sa malakihang operasyon ni Pundugar sa paggawa ng mga baril at pagbebenta nito sa mga kriminal sa Quiapo area.
Nahaharap din ang suspect sa kasong murder kung saan pansamantalang nakakalaya ito matapos na makapagpiyansa. Nabatid na kilala ring miyembro ito ng isang sindikato na may mga aktibidades tulad ng panghoholdap, carnapping at pagtutulak ng droga. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended