Pajero pinasabog,Tsinoy na trader patay
April 23, 2004 | 12:00am
Nasawi ang isang 58-anyos na negosyanteng Tsinoy, habang nasa kritikal na kondisyon naman ang driver nito at isa pa katao, nang sumabog ang itinanim na pipe bomb sa sinasakyan nitong Pajero, kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Fatima Medical Hospital sanhi ng mga grabeng sugat sa katawan si Peter Dy, may-ari ng isang gasoline station sa lungsod at residente ng Corinthian St., Tanada Subdivision, Barangay Gen. T. de Leon, Valenzuela City.
Kasalukuyan namang inoobserbahan sa intensive care unit (ICU) sa nasabing pagamutan ang driver ng biktima na nakilalang si John Bee Pajardo at isang bystander na hindi pa nakukuha ang pangalan.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang biglang sumabog ang sinasakyang Pajero ng mga biktima na may plakang XER-854 sa kanto ng MacArthur Highway at Karuhatan Road, Valenzuela.
Nabatid na kagagaling lamang umano ng mga biktima sa palengke nang biglang sumabog ang sinasakyan nitong Pajero at dahil sa tindi ng lakas ng pagsabog ay nawasak ang likuran at harapang bahagi ng nasabing sasakyan.
Nabatid na si Dy ay supporter ni Valenzuela City Mayoralty candidate Magtanggol Gunigundo III.
Napag-alaman pa na may lamang mga paputok na gagamitin sana sa kampanya ang sasakyan ni Dy nang ito ay sumabog. Una na ngang iniulat na mga paputok ang sumabog subalit, nilinaw na kahapon ng SOCO na pipe bomb na inilagay sa may compartment sa unahang bahagi ng sasakyan. Napag-alaman pa na noon lamang isang linggo ay nakarnap ang sasakyan ni Dy subalit makalipas ang ilang araw ay naibalik ito. Malaki ang hinala ng pulisyang maaaring nakopya ang susi ng sasakyan. Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended