^

Metro

'Double dead' na karne nagkalat

-
Nagbigay-babala kahapon sa publiko ang National Meat Inspection Commission (NMIC), partikular na sa mga residente ng Caloocan City at Bulacan matapos itong mapabilang sa listahan ng mga lugar na nabagsakan ng mga "double dead" na karne na ngayo’y nabibili sa mga pamilihang bayan.

Ayon sa NMIC, siguradong may tatak ng kanilang ahensya ang mga karneng bibilhin bilang tanda na dumaan ito sa tamang inspeksyon upang maiwasan na maging biktima ng mga nagtitinda ng "double dead" na karne na posibleng magbibigay ng sakit sa makakakain nito.

Madali umanong matukoy kung ang bibilhing karne ay "hot meat" dahil ibinebenta ito sa murang halaga na P30 kada kilo, samantalang ang tamang presyo ngayon ng baboy sa merkado ay umaabot sa P150.

Ang pagbibigay babala ng NMIC sa publiko ay kaugnay sa lumabas na ulat na ang isang hog-raising farm sa Bulacan ay malawakang nagbebenta ng "double dead" na baboy kung saan ang mga karne nito ay ibinebenta sa mga pamilihang bayan ng San Jose del Monte, Bulacan at Caloocan City.

Kaugnay nito, nagsagawa na ng ibayong kampanya ang local health office ng Caloocan City upang masiguro ang kalusugan ng mga residente rito at upang mapigilan ang pagkalat pa ng mga "hot meat" sa lahat ng palengke ng nasabing lungsod.

Ayon naman kay Teodoro Rosales, city veterinarian, ang pagkain ng "hot meat" ay pwedeng pagmulan ng iba’t ibang sakit, partikular sa ating digestive system tulad ng diarrhea at pagkakaroon ng mga bacteria sa tiyan.

Samantala, binatikos naman ng mga residente ng Caloocan City ang pamahalaang lungsod dahil kung hindi pa umano mababalita ang "hot meat" ay hindi pa kikilos ang mga ito upang mahadlangan ang pagkalat ng mga nasabing sakit.(Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BULACAN

CALOOCAN CITY

KAUGNAY

NATIONAL MEAT INSPECTION COMMISSION

ROSE TAMAYO

SAN JOSE

TEODORO ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with