Congressional bet dinukot, inumbag, pinagnakawan
April 20, 2004 | 12:00am
Isang independent candidate sa pagka-kongresista sa Parañaque City ang iniulat na dinukot at ginulpi ng isang grupo ng kalalakihan habang ito ay nangangampanya at bago tuluyang palayain ay tinangayan pa ng cellphone at halagang P45,000 na pampasuweldo sana niya sa kanyang mga tauhan noong nakalipas na linggo sa nabanggit na lungsod.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni Parañaque City Police chief, Supt. Ronald Estilles, nakilala ang kandidatong biktima na si Menandro Cardona Caunan, 46, ng Mabini St., Barangay Dongalo ng nabanggit na lungsod. Tumatakbo ito sa pagka-kongresista sa unang distrito sa naturang lungsod.
Ayon sa mga kaanak ng biktima naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi noong Biyernes sa panulukan ng Kabihasnan at Tramo sa Barangay San Dionisio sa Parañaque City.
Nabatid na habang nangangampanya ang biktima kasama ang mahigit sa 20 supporters ay lumapit sa kanya ang isang lalaking naka-barong at kinausap siya nito. Ilang minuto ring nakipagkuwentuhan ang lalaki sa biktima hanggang sa huli ay sinabi ng lalaki na yari na ang mga balota at sigurado na ang panalo sa unang distrito ng katunggali nito.
Sinabi pa ng lalaki kay Caunan na ibibigay sa kanya ang leakage ng election at ang mga yari ng balota kung sasama siya dito.
Dahil sa impormasyong ito, nakumbinsi ang biktima na sumama sa lalaki at sa Centennial Airport ipapakita nito ang sinasabing yari ng mga balota.
Pumasok umano sila sa isang VIP room at doon pumasok pa ang apat na lalaki na pawang disente ang kasuotan habang ang unang lalaking sumama sa biktima ay agad nang umalis.
Doon na ito tinutukan ng baril at ginulpi na ng mga suspect. Matapos bugbugin ay ipinagsama pa siya ng mga suspect sa nakaparada niyang BMW na sasakyan at doon kinulimbat ng mga ito ang kanyang cellphone at cash na P45,000 at pagkatapos ay tuluyan ng nagsitakas.
Kahapon lamang nagkalakas ng loob ang biktima na ipagsumbong sa pulisya ang pangyayari sa pangambang baka balikan pa siya muli ng mga suspect.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest