2 sibilyan patay sa senglot na pulis
April 19, 2004 | 12:00am
Dalawa-katao ang iniulat na napatay habang isa naman ang nasugatan matapos na magwala at mamaril ang senglot na pulis sa loob ng KTV kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg si Luisito Samson, 36-anyos, mekaniko at namatay naman habang ginagamot sa Fatima Hospital sanhi naman ng tama ng bala sa katawan si Arturo Dalmacio, 23, kapwa residente ng San Diego St., Brgy. Santolan ng nasabing lungsod.
Pinangangambahan namang maputulan ng paa ang isa pang biktima na si Gilbert Gabriel, 21-anyos, residente ng Panghulo, Malabon City dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa kaliwang paa at ngayon ay ginagamot sa VGH.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police ang suspect na si PO1 Nicasio Eliscopedes, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Police Community Precinct 1 (PCP 1) ng Malabon City Police.
Ayon sa ilang nakasaksi, galing umano ang suspect sa King Rap Disco and KTV na matatagpuan hindi kalayuan sa pinangyarihan ng insidente kung saan nang papauwi at naglalakad ay biglang binunot ang service firearm na .9mm at walang sabi-sabing pinaputukan ang mga biktima.
Nang makita ng suspect na kapwa may mga tama na ang mga biktima ay umalis ito sa pinangyarihan ng insidente habang agad namang isinugod sa mga nabanggit na pagamutan ang tatlo.
Nabatid pa, nagtungo umano ang suspect sa himpilan ng Malabon City Police upang isuko ang sarili at ikinatwiran nito na rumesponde siya sa isang gulo na nangyari at ito ay nakabaril ng tatlong katao. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended