^

Metro

Sikat na travel photographer, lasog sa tren

-
Nagkalasug-lasog ang katawan ng sikat na travel photographer at pioneer ng travel shows sa Phil. television na si Carlos Abrera matapos itong mahagip ng rumaragasang tren at makaladkad pa ng may 15 metro ang layo, habang ito ay namimili ng mga pananim sa isang tindahan ng halaman, kahapon ng tanghali sa bayan ng Taguig.

Namatay noon din si Abrera, 58, ng United Hills Phase 1, Parañaque City.

Kaagad na tumakas ang hindi pa nakikilalang operator ng tren na may body number 403.

Sa imbestigasyon ni PO3 Eris Gaoaen, ng Taguig Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng tanghali sa likuran ng Naty’s Garden na matatagpuan sa FTI Compound, Brgy. Western Bicutan, Taguig.

Nabatid na habang namimili ng mga pananim ang biktima sa nabanggit na lugar, hindi nito namalayan ang paparating na tren na nagbuhat sa Maynila patungong Canlubang, Laguna.

Nahagip ang biktima ng tren at nakaladkad pa ito ng may 15 metro ang layo. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABRERA

BRGY

CANLUBANG

CARLOS ABRERA

ERIS GAOAEN

LORDETH BONILLA

TAGUIG

TAGUIG TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

UNITED HILLS PHASE

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with