^

Metro

Shootout: 2 sekyu patay, 1 pa sugatan

- Rose Tamayo-Tesoro -
Dalawang fish port security ang nasawi, habang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na "Tirtir Gang" ang nasugatan makaraang magbarilan ang mga ito sa loob ng Fish Port complex, kahapon ng madaling-araw sa Navotas.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ponciano Endrena, 50 at Cabado Baac, 44, kapwa tauhan ng Fish Port Security.

Sugatan naman ang suspect na nakilalang si Reynaldo Olivar, 40, fish vendor, ng Caloocan City na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng Fish Port Complex na matatagpuan sa North Bay Boulevard sa nasabing bayan.

Nagtungo umano sa fish port si Olivar upang humango ng isda ngunit pagsapit nito sa gate ay agad na napansin ng dalawang guwardiya ang nakaumbok na baril nito sa baywang.

Nang harangin ng dalawang guwardiya si Olivar ay nagpumilit pa rin itong pumasok hanggang sa biglang bumunot ng baril at agad na pinaputukan ang dalawang guwardiya.

Bagamat sugatan na ang dalawang sekyu ay nagawa pa rin ng mga ito na makaganti ng putok sa suspect na ikinasugat nito.

Malaki naman ang paniwala ng pulisya na miyembro ng "Tirtir Gang" ang suspect na madalas na tumira sa nasabing fish port.

vuukle comment

CABADO BAAC

CALOOCAN CITY

FISH

FISH PORT

FISH PORT COMPLEX

FISH PORT SECURITY

NORTH BAY BOULEVARD

OLIVAR

PONCIANO ENDRENA

TIRTIR GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with