^

Metro

3 karagatan apektado ng red tide

-
Pinag-iingat ng pamunuan ng Red Tide Task Force ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng shellfish na manggagaling sa tatlong karagatan sa bansa, matapos na madiskubreng apektado ang mga ito ng ‘red tide organisms’.

Ayon kay Fe Bajarias, chief ng Red Tide Monitoring sa isinagawang pinakahuling water sampling na nakuha ng task force mula sa Balite Bay sa Mati Davao Oriental; Masinloc Bay sa Zambales at Juag Lagoon sa Matnog, Sorsogon ay napag-alamang nagtataglay ng red tide toxins.

Dahil dito ay pinagbawalan ng task force ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na humango o ibenta ang mga shellfish tulad ng tahong, talaba, halaan, kabibe at iba pa na manggagaling sa mga nabanggit na lugar.

Maliban sa nasabing mga karagatan, patuloy na kumukuha ang task force ng sampling water sa iba pang karagatan sa bansa para imonitor kung ang mga ito ay apektado rin ng red tide ‘organisms.’ (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BALITE BAY

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DORIS FRANCHE

FE BAJARIAS

JUAG LAGOON

MASINLOC BAY

MATI DAVAO ORIENTAL

RED TIDE MONITORING

RED TIDE TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with