^

Metro

Security guard timbog: Panloloob sa PNB lutas na

-
Tuluyan nang nalutas ng mga tauhan ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang panloloob sa Philippine National Bank (PNB) Kalayaan branch kung saan natangay dito ang may P5.4 milyon noong nakalipas na Huwebes Santo matapos sunud-sunod na maaresto ang mga suspect na kinabibilangan mismo ng mga security guard sa bangko.

Ayon kay CPD director Chief Supt. Napoleon Castro, nakuha sa mga suspect ang halagang P1, 231,960 kung saan sinabi pa ng mga ito na sila ay mga ‘fall guy’.

Lumitaw na unang naaresto ang mag-asawang Lilibeth at Manuel Pasco at Nelson Espina sa kanilang hide-out sa Barangay Cruz na Ligas sa nasabing lungsod.

Iniharap din kay Mayor Feliciano Belmonte ang mga suspect matapos na ito ay positibong kilalanin ng mga saksi na ngayo’y nasa kustodiya ng pulisya.

Ayon sa mga ito, sinamahan umano ng dalawang security guard ang mga suspect papasok sa bangko.

Kasunod namang nadakip ang mga security guard mismo ng bangko na sina Roberto Perez at Armando Arano matapos na mag-report ang mga ito sa kanilang ahensiya sa Metro Guard Security Agency. Hindi nila alam na mayroon ng nakahandang warrant of arrest laban sa kanila.

Nadiskubre lamang ang pagnanakaw nang mag-overtime ang ilang empleyado ng bangko at nakita nilang sira ang vault ng bangko.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya pinasok ng mga suspect ang bangko sa pamamagitan nang pagdaan sa likurang bintana ng bangko. Subalit sa isinagawang follow-up operation walang anumang bakas ng pagpasok sa bintana ang makikita.

Lumilitaw na mismong sa harap na pinto dumaan ang mga suspect at nilagare ang pinto upang palitawin naman na sa likod sila nanggaling. Dahil dito, tumibay ang paniwala ng pulisya na ‘inside job’ ang pangyayari.

Umaabot sa P776,000 ang narekober ng pulisya sa mga nadakip na suspect. (Ulat ni Doris Franche)

ARMANDO ARANO

AYON

BANGKO

BARANGAY CRUZ

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

HUWEBES SANTO

MANUEL PASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with