Dahil sa maling pagkakalagay ng plaka, 2 'tulak' arestado
April 15, 2004 | 12:00am
Dalawang hinihinalang drug pusher ang naaresto ng pulisya sa isinagawang "Oplan Sita", kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 at illegal possession of bladed weapon sina Rodolfo Valentino, 41, ng #3021 Mabini St., Pag-asa at Garry Abing, 24, ng #4163 Doña Ana, Brgy. 175, pawang sakop ng Brgy. Camarin ng nasabing lungsod.
Ayon sa pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang maaresto ang mga suspect sa Main Road ng Sampaguita Subd., Brgy. 175, Camarin, Caloocan City.
Kasalukuyan umanong nagsasagawa ng "Oplan Sita" ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) nang mamataan ang dalawang suspect lulan ng kulay berdeng tricycle dahil sa hindi tama ang pagkakalagay ng plaka nito.
Nang kapkapan ng mga ito ang dalawang suspect ay nakuha sa pag-iingat ng mga naaresto ang dalawang plastic sachet at patalim kayat agad na dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya upang pormal na sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Rose L. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended