^

Metro

4 na pulis dinakip sa aktong nangongotong

-
Apat na pulis ang dinakip makaraang maaktuhang nangongotong sa isinagawang entrapment operation kahapon ng Criminal Investigation and Detection Group sa Marikina City.

Nakilala ang mga nadakip na sina PO2 Pepito Valdez, PO1 Diones Salcedo, PO1 Virgilio Calanogan at PO1 Pedro Avelino. Naaktuhan ang mga ito na tinatanggap ang P1,480 marked money sa isang nagngangalang Salima Lee, ng Tumana Barangay Concepcion Uno ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naaresto ang mga suspect dakong alas-11 ng umaga sa kahabaan ng Ampalaya St., Tumana ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nabatid na hinuli ng mga pulis ang biktima sa kasong pagtutulak ng droga ngunit imbes na kasuhan ay hiningan na lamang ito ng halagang P20,000 kapalit ng kanyang kalayaan.

Nauna nang naibigay ng biktima ang halagang P10,000 at nangakong kinabukasan ay ibibigay niya ang kulang.

Pumayag naman ang mga pulis ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay nakipag-ugnayan na ang biktima sa mga awtoridad at inihanda na ang bitag.

Kinabukasan ay naaktuhan nga ang mga pulis habang tinatanggap ang marked money sa kanilang biniktima.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AMPALAYA ST.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIONES SALCEDO

EDWIN BALASA

MARIKINA CITY

PEDRO AVELINO

PEPITO VALDEZ

SALIMA LEE

TUMANA BARANGAY CONCEPCION UNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with