^

Metro

Suspect sa Rizal Day bombing muling naghain ng not guilty

-
Sa ikalawang pagkakataon ay muling naghain ng "not guilty plea" sa Manila Regional Trial Court (RTC) ang pangunahing suspect sa December 30, 2000 Rizal Day bombing na si Hadji Muklis Yunos.

Ayon kay Ma. Victoria Isidro, Officer in Charge (OIC) Clerk of Court ng RTC Branch 29 na hindi pa rin umaamin sa kanyang pagkakasala si Yunos sa ginanap na arraignment kahapon kung kaya’t tuloy-tuloy na ang gagawing paglilitis sa kanya sa kasong multiple attempted, frustrated at consumated murder laban dito.

Magugunita na nauna ng umamin si Yunos sa naturang krimen kasama ang napaslang na si Indonesian terrorist Fathur Rohman Algozi na siyang utak sa nasabing LRT bombing.

Dahil na rin sa muling pagtanggi ni Yunos na aminin ang kanyang pagkakasala ay itinakda ni Judge Cielito Grulla ng Branch 29 ang pormal na paglilitis kay Yunos sa Hunyo 14, 2004.

Sinunod naman ni Judge Grulla ang nakasaad sa rules of criminal procedure na kung ang isang akusado ay hindi aaminin o tatanggi sa kanyang pagkakasala sa isang partikular na krimen ay awtomatikong "not guilty plea" ang ipapasok sa arraignment nito.

Samantala, hiniling naman ni Department of Justice (DOJ) State Prosecutor Peter Ong sa RTC na tuluyan ng alisin sa Camp Crame si Yunos at ilipat na ito sa kulungan sa Bicutan, Taguig kung saan kasama pa nito ang iba pang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group. (Ulat ni Gemma Amargo/Grace dela Cruz)

ABU SAYYAF GROUP

CAMP CRAME

CLERK OF COURT

DEPARTMENT OF JUSTICE

FATHUR ROHMAN ALGOZI

GEMMA AMARGO

HADJI MUKLIS YUNOS

JUDGE CIELITO GRULLA

JUDGE GRULLA

YUNOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with