^

Metro

Sekyu natodas sa sunog

-
Isang security guard ang natagpuang patay sa loob ng nasusunog na garment factory, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Ang biktima na nagtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at may palatandaang pinalo ng matigas na bagay sa ulo ay nakilalang si Dioly Bandic, nasa hustong gulang at security guard ng isang garment factory na makikita sa 3617 San Rafael St., Brgy. Plainview ng nasabing lungsod.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima nang rumisponde ang mga bumbero sa nasabing garment factory dakong alas-2:15 ng madaling araw.

Nabatid na nang pasukin ng mga bumbero ang pabrika ay tumambad sa kanilang paningin ang bangkay ng biktima.

May hinala ang pulisya na posibleng tinangkang awatin ng biktima ang hindi pa nakikilalang suspect sa pagsunog nito sa pabrika kung kaya’t napilitan itong patayin ang biktima.

Sa kasalukuyan ay isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente upang alamin ang motibo ng panununog at kung sino ang may kagagawan sa pamamaslang sa nasabing sekyu. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

DIOLY BANDIC

EDWIN BALASA

ISANG

MANDALUYONG CITY

NABATID

PLAINVIEW

SAN RAFAEL ST.

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with