Kinilala ang mga sugatan na sina Rowena Alvarez, 7-anyos na nagtamo ng 3rd degree burn sa katawan at Dennis Lopez na isang fire volunteer.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog dakong alas-12:30 ng madaling- araw sa Maestranza Compound.
Nabatid na nagmula ang apoy sa kwitis na pinapuputok ng mga residente bilang pagdiriwang sa pagsalubong sa Pasko ng Pagkabuhay kung saan ay bumagsak ang isa sa mga kwitis sa isang bubungan ng bahay na naging sanhi ng apoy na mabilis na kumalat sa iba pang mga kabahayan.
Personal namang nagtungo sa nabanggit na lugar si Department of Tourism (DOT) Secretary Roberto Pagdanganan at agad niyang iniutos ang pagsasaayos ng mga masisikip at naapektuhang mga kalsada.
Pinangangambahan naman na maaaring maapektuhan at humina ang dating ng mga turista sa WOW Philippines dahil sa nasabing inisidente. (Ulat ni Danilo Garcia)