^

Metro

Pintor binoga ng alalay ni JDV dahil sa manok

-
Nasawi ang isang 47-anyos na pintor makaraang pagbabarilin ito ng kanyang kapitbahay na umano’y bodyguard ni House Speaker Jose de Venecia matapos na mag-away ang mga ito nang gibain ng huli ang kulungan ng manok ng una, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Diosdado Macapagal Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng .45 kalibre ng baril ang biktimang si Renato Carpio, ng #443 C. Name Street ng nabanggit na lungsod.

Agad namang sumuko ang suspect na si PO2 Ronald Allan Cleofe, 33-anyos ng Police Security Protection Office (PSPO), Camp Crame, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jaime Basa, may hawak ng kaso, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng C. Name Street, Caloocan City. Nabatid na lasing umano ang biktima na nagpunta sa bahay ng suspect na pulis upang kumprontahin ito hinggil sa umano’y panggigiba ng huli sa kulungan ng kanyang manok.

Napag-alaman pa na habang nag-uusap umano ang dalawa ay bigla na lamang bumunot ng patalim ang biktima at inundayan ng saksak ang suspect na ikinasugat nito. Sa kabila ng pagiging sugatan ay nagawa pa ring makauwi sa kanilang bahay ng pulis at nang magbalik ito ay tangan na nito ang kanyang kalibre .45 upang pasukuin ang biktima.

Sa halip na sumuko ay nagpatuloy pa umano ang biktima sa paghalihaw ng saksak na naging dahilan upang magpaputok ng dalawang beses ang suspect bilang babala sa biktima.

Nang hindi pa rin umano tumigil sa pagwasiwas ng kanyang patalim ang biktima ay napilitan na ang suspect na pulis na pagbabarilin ito hangang sa duguan itong humandusay sa kalsada. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

DIOSDADO MACAPAGAL MEDICAL CENTER

HOUSE SPEAKER JOSE

JAIME BASA

NAME STREET

POLICE SECURITY PROTECTION OFFICE

QUEZON CITY

RENATO CARPIO

RONALD ALLAN CLEOFE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with