^

Metro

Paliligo sa maruruming ilog bawal na

-
Mahigpit na ipinagbabawal na ng Department of Health (DOH) ang paglalaba at paliligo sa mga marurumi at patay na ilog partikular na ngayong panahon ng tag-init dahil sa iba’t ibang uri ng mga malalang sakit na posibleng makukuha rito.

Ayon kay DOH Secretary Manuel Dayrit na patok ngayon ang paliligo ngayong tag-init lalo na ng mga kabataan sa mga ilog at sapa, partikular na sa mga probinsya.

Sinabi pa ni Dayrit na ang paliligo sa mga maruruming ilog partikular na ang mga na-kontamina ng mga pabrika ay magdudulot ng mga malalalang sakit sa balat bunga ng mga kemikal na nakakalason sa tubig.

Anya, maaaring magkaroon rin ng impeksyun sa loob ng katawan ng isang makakainom ng maruming tubig bunga ng paglalangoy.

Ayon pa kay Dayrit, ang ilog ay mabuti at magandang paliguan kung ito ay malinis.

Napag-alaman na sa Metro Manila ay matagal ng ipinagbabawal ng DOH ang paliligo sa Manila Bay, Ilog Pasig at maging sa mga estero dahil sa lubusang marurumi at kontamindo na ang mga ito, subalit hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paliligo ng ilang mga residente rito. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANYA

AYON

DANILO GARCIA

DAYRIT

DEPARTMENT OF HEALTH

ILOG PASIG

MANILA BAY

METRO MANILA

SECRETARY MANUEL DAYRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with