4 bagets na holdaper,arestado
April 11, 2004 | 12:00am
Walang pakundangan ang apat na kabataan na kahit na Biyernes Santo, kung kailan inaalala ang pagpapahirap ng Panginoon para sa pagtubos sa kasalanan ng sangkatauhan, ang nangholdap sa isang pampasaherong jeep.
Kinilala ni SPO4 Celso Cruz, hepe ng SID ng Marikina City police ang mga naarestong suspect na sina Ariel Francisco, 19; Jeoffrey Cainglet, 17; Ruel Vellete, 17; at Jullie Boy Baluyo, 17, pawang mga residente ng Brgy. Parang ng nasabing lungsod. Samantala, nakatakas naman ang tatlo pang mga kasama nito.
Sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon ay sumabit ang mga suspect sa isang jeep na may biyaheng Montalban-Cubao at nang dumako sa kahabaan ng Fernando Ave., Brgy. San Roque ay agad na naglabas ng patalim at baril ang mga suspect at nagdeklara ng holdap.
Habang nililimas ng mga suspect ang mga mahahalagang gamit ng mga biktima ay eksakto namang napadaan ang isang mobile car sa lugar ng pinangyarihan at napansin ang kaguluhan sa loob ng jeep kaya agad na rumesponde ang mga pulis.
Nagkaroon ng ilang minutong habulan hanggang sa masakote ang apat na suspect at nakatakas ang tatlo pa.
Nahaharap sa kasong robbery-hold-up ang mga suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended