Internet shop pinasok,may-ari pumalag,kritikal
April 11, 2004 | 12:00am
Agaw-buhay ngayon sa pagamutan ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng isa sa anim na armadong kalalakihan na nanloob sa kanyang internet shop kamakalawa ng tanghali sa Pasig City.
Ang biktima na kasalukuyang nasa Mission Hospital sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala sa likod at dibdib ay nakilalang si Louid Lamadrid, 35, may-ari ng Click Cybernet, residente ng Cityland Towers, Brgy. Sta. Lucia, ng nasabing lungsod.
Pinaghahanap na ng pulisya ang anim na hindi pa kilalang mga suspect na agad na tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali nang pumasok at magkunwaring mga kostumer ang mga suspect sa Click Cybernet na matatagpuan sa nasabing lugar.
Nang makapasok sa loob ang mga suspect ay agad na naglabas ng baril at nagpahayag ng holdap at mabilis na nilimas ang pera at mga alahas ng anim na kostumer ng establisimiyento.
Nang akmang kukunin na ng mga suspect ang perang kinita ng internet shop ay nanlaban si Lamadrid, dahilan upang paputukan ito ng dalawang beses ng isa sa mga suspect.
Matapos makuha ang pera sa kaha ay matuling nagsitakas ang mga suspect sakay ng isang stainless na jeep, (DEN-302) habang dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended