^

Metro

Nangantiyaw ng look-alike ni Hudas, patay sa saksak

-
Isang 28-anyos na obrero ang nasawi matapos na ito ay saksakin ng tiyuhin ng isang lalaki na kanyang kinantiyawan na kamukha ni Hudas Iscariote kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang nasawi ay nakilalang si Jerry Callos, binata ng #571 Ignacia Compound, Sta. Quiteria ng nasabing lungsod na nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspect na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang alyas Berting Gorobat, tiyuhin ng isang Leo Leyte na nakasagutan ng biktima nang mapadaan sa nasabing compound bandang alas- 8 ng gabi.

Nabatid na nasa kalagitnaan nang pakikipag-inuman ang biktima sa isang Arnot nang dumaan si Leyte at sinabihan umano ang una na magpenitensiya bago gumanti ng kantiyaw.

Sinabi ng biktima kay Leyte na dapat itong magpenitensiya dahil kamukha nito at kasing-ugali ni Hudas na labis na ikinagalit nito.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa humingi ng tulong sa suspect na walang awang sumaksak nang paulit-ulit sa biktima hanggang sa ito ay malagutan ng hininga. (Ulat ni Jo Cagande)

vuukle comment

ARNOT

BERTING GOROBAT

CALOOCAN CITY

HUDAS

HUDAS ISCARIOTE

IGNACIA COMPOUND

JERRY CALLOS

JO CAGANDE

LEO LEYTE

LEYTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with