Parak bugbog-sarado na ninakawan pa
April 8, 2004 | 12:00am
Bugbog-sarado ang isang pulis makaraang gulpihin ito at nakawan ng tinatayang dalawampung katao na umanoy mga Muslim habang bumibili ng diaper sa isang palengke, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Ang biktima nagtamo ng putok sa ulo at pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si PO1 Francisco Castro, 30, nakadestino sa PNCO Camp Crame, samantalang naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang isa sa mga suspect na si Jai-Jal Mendoza, 25, ng Brgy. Palatiw ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat dakong alas- 8:30 ng gabi ng maganap ang insidente habang bumibili ng diaper ang biktima sa Biaheros Market nang bigla na lamang itong palibutan ng may 20 kalalakihan at walang sabi-sabing binugbog ang biktima.
Matapos gulpihin ay tinangay pa ng mga suspect ang .45 cal. na baril ng pulis, maging ang wallet nito, PNP ID at relo at saka mabilis na nagsitakas.
Naaresto naman si Mendoza sa isinagawang follow-up operation ng pulisya at positibo itong kinilala ng biktimang pulis na isa sa gumulpi sa kanya. Pinaghahanap pa ang mga kasamahan nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended