TV network at mall pasasabugin ng ASG
April 7, 2004 | 12:00am
Isang sikat na television station at isang malaking mall sa Quezon City ang target na pasabugin ng mga nadakip na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Bukod dito, isang kilalang politiko at anak ng isang mayamang negosyante ang binalak ding dukutin ng mga nabanggit na suspect kung hindi naagapan ang pagkaaresto sa mga ito kamakailan sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Metro Manila.
Ayon kay Director Roberto Delfin, directorate for intelligence ng PNP na dalawa sa anim na miyembro ng ASG na nadakip na nakilalang sina Walter Ancheta Villanueva at Marvin Rueca ay nabitag sa parking lot ng isang malaking mall sa Quezon City. Ang naturang mall ang planong pasabugin ng dalawa na nasamsaman ng malalakas na uri ng mga pampasabog.
Nabatid pa kay Delfin na nakatakda umanong magkita sina Villanueva, Rueca at apat pang kasamahan ng mga ito na sina Alhasar Manatad Limbong, alyas Kosovo; Redendo Cain Dellosa, Abdulrasid Banjeng Lim at Radamar Sangkula Jul Hassan sa nasabing lugar nang matimbog ng mga operatiba.
Bukod sa naturang mall, tumanggi naman si Delfin na tukuyin kung anong sikat na television station ang balak ding pasabugin ng mga nasakoteng terorista.
Nadiskubre rin ng pulisya na isang kilalang politiko at anak ng isang mayamang negosyante ang target din nilang kidnapin na isusunod sa plano nilang pagpapasabog sa Metro Manila.
Nadiskaril umano ang planong pangingidnap nang kapusin ang mga ito sa pondo matapos ngang mabigo sa unang plano ng pagpapasabog.
Nagawa umanong maipuslit ng mga bandido ang mga TNT powder at iba pang eksplosibo mula sa Mindanao patungong Metro Manila nang isama ang mga ito sa ibiniyaheng prutas.
Kaugnay nito positibo ring itinuro ng ilang nakalayang bihag ng ASG ang anim na nadakip na totoong kaanib sa naturang grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended