^

Metro

Supporters ng politiko inatado

-
Tatlumpung saksak sa katawan ang tinamo ng isang umano’y supporter ng politiko sa lungsod ng Caloocan buhat sa hindi nakikilalang salarin na nanloob sa kanyang bahay, kahapon ng madaling- araw sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Manuel Appari, 26, binata ng Dagat-Dagatan, ng naturang lungsod.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya laban sa hindi nakikilalang suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay.

Nabatid pa sa ulat na isang araw bago ang naganap na krimen ay may nakaalitan umano ang biktima na isang bakla na nakilala lamang sa alyas na ‘Angel’ na residente ng Malabon.

Ilang gamit din ng biktima ang iniulat na nawawala. Malaki naman ang paniwala ng pulisya na maaaring kilala ng nasawi ang suspect dahil sa wala namang palatandaan na puwersahang pumasok sa bahay ang salarin. (Jo Cagande)

vuukle comment

AYON

CALOOCAN

DAGAT-DAGATAN

ILANG

JO CAGANDE

KINILALA

MALABON

MALAKI

MANUEL APPARI

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with