Obrero binaril habang bumibili sa tindahan
April 3, 2004 | 12:00am
Binaril nang malapitan ang isang obrero ng hindi nakikilalang salarin habang bumibili sa isang tindahan ang una, kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.
Agad na nasawi ang biktimang nakilalang si Raul Sangkupan, residente ng Muslim compound sa Norzagaray St. sa Quiapo.
Mabilis namang tumakas ang hindi nakikilalang suspect matapos ang isinagawang pamamaril.
Nabatid sa ulat ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa tapat ng isang tindahan sa naturang lugar.
Binanggit pa sa ulat na habang ang biktima ay bumibili ng sigarilyo ay bigla itong nilapitan ng isang lalaki at walang sabi-sabing malapitang binaril ang una.
Kaswal lamang umano na naglakad papalayo ang suspect matapos ang isinagawang pamamaslang.
Blangko pa rin ang pulisya tungkol sa motibo ng isinagawang pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended