Gayunman, ayon kay NAKTAF chief Angelo Reyes, kasalukuyan pang beneberipika ang pangalan ng nasawing mga kidnappers na pawang kasapi sa "Allan Balimbingan KFRG".
Samantala, nakilala naman ang nadamay na paslit na nasawi rin matapos tamaan ng ligaw na bala na si Jennifer Gallano, 4-taong gulang habang ito ay nasa loob ng kanilang bahay.
Isa pa sa mga kidnapper ang nasugatan, ito ay nakilalang si Christopher Elizalde, habang sugatan din sa panig ng mga awtoridad si Sgt. Rodimar Saya.
Pito pang sibilyan, karamihan ay mga paslit ang nasugatan sa naganap na shootout.
Ayon sa inisyal na ulat, naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng NAKTAF at grupo ng mga kidnappers dakong alas-12 ng tanghali sa may Road 10, ng bayan ng Navotas makaraang maispatan ng mga operatiba ang isang 1976 Mitsubishi car na may plakang NFA-710 na kinalululanan ng mga kidnappers. Itoy matapos na makatanggap ng intelligence report tungkol sa planong pangingidnap muli ng grupo ng mga mayayamang negosyanteng Tsinoy sa lugar.
Agad na hinarang ng mga operatiba ang sasakyan ng mga suspect subalit imbes na huminto ang mga ito ay agad na sinalubong ng bala ang mga awtoridad.
Gumanti na rin ng pagpapaputok ang mga awtoridad na humantong sa pagkamatay ng apat ng mga kidnappers.
Minalas naman na tamaan ng ligaw na bala ang batang si Jennifer na ayon sa ulat ay nasa loob na kanilang tahanan sa mataong lugar sa Navotas.
Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang 9mm pistol at tatlong 45. cal. pistols. (Ulat nina Joy Cantos at Jo Grande)