^

Metro

Pakialamero sa away,pinagdiskitahan patay

-
Dahil sa pakikialam sa away, binaril at napatay ng tatlong kilalang maton sa lugar ang isang lalaki na nagtago sa kanilang nakaaway, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktimang nakilalang si Rudy Bibilio, 29, ng Area B, Gate 10, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Nadakip naman ang isa sa mga suspect na nakilalang si Enrique Marinas, 40, habang pinaghahanap pa ang dalawang kasamahan nito na sina Melchor Gracilla, 40, at Dondon Mercadal, 25.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi kung saan nag-iinuman ang tatlong suspect sa tapat ng bahay ni Gracilla.

Napadaan sa lugar ang matandang lalaki na nakilala lamang na si Obregon kasama ang isang Richard Genovia na kinikilan ng mga suspect para pandagdag sa kanilang iniinom.

Nang hindi makapagbigay, pinagsasampal ni Marinas ang dalawa at pagkatapos ay pumasok sa loob ng kanyang bahay si Gracilla at nang lumabas ay may bitbit na itong kalibre .38 baril.

Tinutukan ni Gracilla si Genovia ng baril sa ulo ngunit nagawang makipagbuno at naitulak ang suspect. Agad na tumakbo si Genovia kung saan tinulungan ito ng nasawing si Bibilio at pinagtago si Genovia sa loob ng bahay.

Nalaman ng tatlong suspect na tinulungan ni Bibilio si Genovia kaya siya naman ang pinagdiskitahan ng mga ito.

Nang makita ng mga suspect na nakatayo sa harap ng bahay si Bibilio ay binaril ito sa dibdib na naging sanhi ng kamatayan nito.

Matapos ang pamamaril mabilis na nagsitakas ang mga suspect, gayunman si Marinas ay inabutan ng mga pulis sa loob ng kanyang bahay na natutulog dahil sa sobrang kalasingan. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

AREA B

BIBILIO

DANILO GARCIA

DONDON MERCADAL

ENRIQUE MARINAS

GENOVIA

GRACILLA

MAYNILA

MELCHOR GRACILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with