Nagbunyag ng katiwalian sa ROTC: Bitay hatol sa pumaslang kay Mark Welson Chua
April 1, 2004 | 12:00am
Bitay ang inihatol ng Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa isa sa apat na akusado na pumatay sa estudyante ng University of Sto. Tomas (UST) na si Mark Welson Chua na nagbunyag ng katiwalian sa ROTC ng naturang eskuwelahan.
Base sa 71 pahinang desisyon ni Judge Romulo Lopez ng RTC branch 18 bukod sa parusang kamatayan pinagbabayad din nito ng halagang P50,000 bilang indemnity damage ang akusadong si Arnulfo Apari, cadet officer ng ROTC, UST samantalang patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga kasama nito na sina Paul Joseph Tan, Eduardo Tabrilla at Michael Von Rainard Manangbao.
Base sa rekord ng korte, natagpuan ang bangkay ng biktima noong Marso 18, 2001 dakong alas-9:15 ng umaga sa Pasig River sa likod ng National Press Club building na nakabalot sa carpet habang nakatali ang mga kamay at paa nito, may piring sa mata at nakabalot ng packaging tape ang ulo.
Huling nakitang buhay ang biktima na isang 2nd year mechanical engineering noong gabi ng Marso 15, 2001 kasama ang akusado sa loob ng Department of Military and Service Training building sa loob ng UST campus.
Nabatid na si Chua ay sumasailalim sa training sa ROTC upang maging cadet officer kung kayat ng mga oras na iyon ay isinailalim ito sa hazing.
Sinabi naman ng ama ng biktima na si Welson Co Chua na huli niyang nakausap ang anak noong Marso 15, 2001 ng umaga at simula noon ay hindi na muli niyang nakausap ang anak at pinalabas pa ng mga akusado na kinidnap ito sa pamamagitan ng paghingi ng P3 milyon ransom money gamit ang cellphone ni Mark.
Natunton ang bangkay ni Welson sa Tres Amigos Funeral Parlor at ayon sa medico legal unti-unting namatay ang biktima dahilan sa suffocation matapos itong makalanghap ng mga alikabok na naging sanhi ng kamatayan nito bago pa man ito itapon sa ilog nila Apari.
Nag-ugat ang nasabing pagpatay dahil sa pagbubulgar ni Chua sa katiwalian sa mga opisyal ng ROTC sa UST. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended