Tsinoy tumalon mula 39th floor nahati ang katawan
March 31, 2004 | 12:00am
Nahati ang katawan ng isang 23-anyos na Tsinoy nang magpakamatay ito sa pamamagitan ng pagtalon sa ika-39 na palapag ng isang gusali, kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.
Nakilala ang nasawi na si Edwin Dexter Ong, naka-check-in sa Unit 23 ng Robinson Tower sa may Padre Faura St., Ermita.
Sa ulat ni WPD-Homicide chief, Senior Inspector Alex Yanquling naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga.
Ayon sa security guard na si Adrian Ocampo, nakita niyang naglalakad sa roofdeck ng gusali ang biktima na tila may problema at balisa. Nakalingat lamang umano siya sandali at nang kanyang tingnan ang direksyon ni Ong ay hindi na niya ito nakita.
Isang malakas na kalabog naman ang narinig sa ibaba ng gusali nang bumagsak ang katawan ni Ong sa ibabaw ng isang pader. Dahil sa lakas ng pagkakabagsak, nahati sa dalawa ang katawan ng biktima.
Nabatid na lumusot ang itaas na katawan ng biktima sa bubungan ng Faura Eatery. Dumiretso ito sa loob ng palikuran ng restaurant kung saan isang hindi nakilalang lalaki na umiihi ang nabagsakan.
Bumagsak naman ang kalahati ng katawan sa parking area ng gusali.
Sa imbestigasyon, ipinagtapat ng kapatid ng biktima na si Anabelle, 25 kay Det. Paul Javier na maaaring nagpasyang magpakamatay ang kanyang kapatid para matapos ang problema ng kanilang ama na si Jose, 54.
Madalas umanong mag-away ang mag-ama dahil sa hindi paghahanap ng trabaho at hindi pagtulong sa negosyo ng pamilya ng nasawi.
Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso para matiyak na walang naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended