^

Metro

1 anyos natusta sa sunog

-
Isang taong gulang na sanggol ang iniulat na nasawi sa sunog na naganap sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing paslit na si Erwin Vermug, ng Doña Ana Extension Brixton Village, Barangay 175, Camarin, Caloocan City.

Samantala, sugatan din ang tiyuhin ng bata na nakilalang si Virgilio Cahimar.

Ayon sa ulat naganap ang sunog dakong alas-7 ng gabi sa bahay ng pamilya Vermug makaraang iwan ng mag-asawang Wilmer at Evelyn Vermug ang kanilang anak sa loob ng bahay para bumili ng kanilang hapunan.

Isang sinding gasera ang pinaniniwalaang pinagmulan ng sunog na kumalat sa may 22 pang katabing barung-barong.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay hindi na nakuha pang maisalba ang buhay ng bata na natusta nang buhay.

Tinatayang aabot sa P250,000 ang halaga ng mga ari-arian na naabo sa naganap na sunog. (Ulat ni Jo Cagande)

vuukle comment

ANA EXTENSION BRIXTON VILLAGE

AYON

CALOOCAN CITY

DAHIL

ERWIN VERMUG

EVELYN VERMUG

ISANG

JO CAGANDE

NAKILALA

VIRGILIO CAHIMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with