Headquarters ng supporters ni GMA pinasabugan
March 30, 2004 | 12:00am
Nawasak ang gate ng isang PRO-GMA headquarters sa Quezon City makaraang hagisan ng pillbox, kahapon ng umaga.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang pagsabog sa headquarters ng Kaisang Bayan, partylist na sumusuporta sa kandidatura ni Pangulong Arroyo sa 9 Malumanay St. sa kanto ng Malingap St. sa Teachers Village, Quezon City.
Ayon kay Allen Cabubas, 20, staff ng grupo, nakita niya ang dalawang hindi nakikilalang suspect sakay ng isang motorsiklo.
Pagsapit sa tapat ng kanilang tanggapan ay may inihagis ang isa sa mga ito na nakabalot sa tila aluminum foil kasunod na nito ang isang malakas na pagsabog.
Ayon kay Kaisang Bayan Chairman Danilo Consomido, posible umanong pulitika ang motibo sa naganap na pagpapasabog dahil sa hayagang pagsuporta nila kay Pangulong Arroyo.
Kaugnay nito, wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing insidente.
Samantala, nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang tunay na motibo sa nasabing pagpapasabog. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest