Ayon kay mayoralty candidate at Makati City councilor Oscar Ibay, napilitan silang gamitin ang Lawton St. ang kalyeng nag-uugnay sa J.P. Rizal at Kalayaan Ave. at mainroad sa Makati nang ipagdamot ni Binay ang nasabing park.
Hindi umano makatao ang ginawa ni Binay nang hindi nito pinagamit ang park na tamang lugar upang pagdausan ng rally at iba pang okasyon at upang hindi makasagabal sa trapiko.
Lumilitaw na si Ibay ay opisyal na kandidato ng K-4 sa pagka-alkalde ng Makati habang si Binay naman ay kandidato ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) ang partido ni action King Fernando Poe, Jr.
Ani ni Ibay, mayroon silang permit upang magdaos ng kanilang proclamation rally sa park subalit di sila pinayagan kung kayat napilitan silang idaos ang rally sa nasabing kalye.
Aniya, kung hindi pinagdamot ni Binay ang park hindi magkakabuhul-buhol ang daloy ng trapiko. (Ulat ni Lordeth Bonilla)