^

Metro

Binay sinisi sa masikip na trapiko sa Makati

-
Nagkabuhul-buhol ang trapiko sa Makati matapos na mapuno ng mga tao ang kalyeng nag-uugnay sa dalawang pangunahing lansangan na dinadaanan ng mga motorista matapos na hindi ipagamit ni Makati Mayor Jejomar Binay ang Makati City Park para sa proclamation rally ng mga lokal na kandidato ni Pangulong Arroyo kamakalawa ng gabi.

Ayon kay mayoralty candidate at Makati City councilor Oscar Ibay, napilitan silang gamitin ang Lawton St. ang kalyeng nag-uugnay sa J.P. Rizal at Kalayaan Ave. at mainroad sa Makati nang ipagdamot ni Binay ang nasabing park.

Hindi umano makatao ang ginawa ni Binay nang hindi nito pinagamit ang park na tamang lugar upang pagdausan ng rally at iba pang okasyon at upang hindi makasagabal sa trapiko.

Lumilitaw na si Ibay ay opisyal na kandidato ng K-4 sa pagka-alkalde ng Makati habang si Binay naman ay kandidato ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) ang partido ni action King Fernando Poe, Jr.

Ani ni Ibay, mayroon silang permit upang magdaos ng kanilang proclamation rally sa park subalit di sila pinayagan kung kaya’t napilitan silang idaos ang rally sa nasabing kalye.

Aniya, kung hindi pinagdamot ni Binay ang park hindi magkakabuhul-buhol ang daloy ng trapiko. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BINAY

IBAY

KALAYAAN AVE

KING FERNANDO POE

LAWTON ST.

LORDETH BONILLA

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI CITY PARK

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with