^

Metro

3 timbog sa pekeng perlas

-
Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang tatlong lalaki na nadakip ng mga tauhan ng Central Police District-District Police Intelligence Unit (CPD-DPIU) na nagbebenta ng pekeng pampatubo ng perlas sa isinagawang entrapment sa Quezon City.

Ang mga suspect na sina Danilo Arispe alyas Patrick Tan, 53 at Venancio Espineda, 42, PAL employee at kapwa naninirahan sa 83 Durian St. Project 2,Q.C. at Alfonso Macahig, 40, tubong Negros ay positibong itinuro ng biktimang si Carmencita Torres ng 145 Fort Santiago St. Bago Bantay, Q.C.

Ayon kay Chief Inspector Rudy Jaraza, hepe ng CPD-DPIU ang modus operandi ng tatlo ay ang pagbebenta ng Sirius Brand Hyper Enzyme na umano’y pampatubo ng perlas.

Sinasabihan din ng mga suspect na dodoble ang kanilang kita sa P20,000 na puhunan at bibigyan ng paalala ang bibili na huwag munang bubuksan ang produkto upang hindi ma-expose.

Subalit ayon kay Torres, agad niyang binuksan ang kahon at laking gulat niya nang makita na asin lamang ang laman ng mga nito.

Bunga nito, nagpanggap na bibili ng perlas ang isang kapitbahay ni Torres na umorder ng 50 kahon ng produkto at agad na dinakma ng mga pulis sa aktong dala ng mga suspect ang mga kahon.

Hinihintay naman ng pulisya ang iba pang mga biktima ng mga suspect upang tuluyang sampahan ng syndicated estafa sa QC Prosecutors Office. (Ulat ni Doris M. Franche)

ALFONSO MACAHIG

CARMENCITA TORRES

CENTRAL POLICE DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

CHIEF INSPECTOR RUDY JARAZA

DANILO ARISPE

DORIS M

DURIAN ST. PROJECT

FORT SANTIAGO ST. BAGO BANTAY

PATRICK TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with