Hapones arestado sa kasong rape
March 29, 2004 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang Japanese national makaraang ireklamo ito ng panggagahasa ng pamangkin ng kanyang asawa kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nakapiit ngayon sa CPD-Kamuning Police Station ang suspect na si Seichi Araki, 44, negosyante at nanunuluyan sa Unit 804 PM Apartment #24 Matalino St. ng nasabi ding lungsod.
Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Corazon Sandoval, chief ng Women and Childrens Desk, dakong alas-2 ng madaling-araw nang halayin umano ng suspect ang biktima na itinago sa pangalang Liza sa loob ng kuwarto nito.
Ang biktima ay nagtatrabaho bilang coffee repacker na negosyo ng suspect.
Inamin naman ng suspect na nagalaw niya ang biktima dala ng matinding kalasingan dahil inakala niya na ito ang kanyang asawa. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended