Cyber City sinalakay ng NBI
March 27, 2004 | 12:00am
Milyun-milyong halaga ng mga computer sets at computer softwares ang nakumpiska ng mga ahente ng NBI sa pinakamalaking Information Technology (IT) locators sa bansa nang salakayin ang Cyber City Teleservices Inc. dahil sa ilegal na produksyon ng Adobe Systems software sa Clark Field, Pampanga.
Libu-libong residente naman ng Pampanga ang nawalan ng trabaho sa naturang pagsalakay na isinagawa ng NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD) kamakalawa sa bisa ng dalawang search warrants na ipinalabas ni Judge Pedro Sunga Jr. ng Pampanga Regional Trial Court branch 42 base sa reklamo ng mga representante ng Adobe Systems Inc.
Pinasok ng mga ahente ng NBI ang walong gusali ng Cyber City kabilang na ang Call Center building nito sa loob ng Clark Ecozone kung saan naabutan dito ang chief executive officer ng Cyber City na si Jonathan Rosenberg.
Nakumpiska sa Cyber City ang libu-libong computer CD at floppy disks na naglalaman ng Adobe software at Adobe Instruction Manuals; mga gamit na computers at ibat-ibang paraphernalia na ilegal na nakapangalan sa Adobe Corp. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest