^

Metro

Kagawad pinagtataga dahil sa campaign materials

-
Pinagtataga ng apat na lasenggo ang isang barangay kagawad at kapatid nitong lalaki matapos na magtalo nang sitahin ng grupo ng una ang ilang kabataan sa pagdidikit ng campaign posters ng isang lokal na kandidato, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang mga biktimang nakilalang sina Eric Pelanga, kagawad ng Barangay 440, Sampaloc at ang kapatid nitong si Jeffrey.

Kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad ang apat na suspect na nakilalang sina Erwin Bautista, Jun Borja, Agripino Lacta at Dexter Ramos, pawang mga residente sa lugar.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw sa may Miguelin St., Sampaloc kung saan nag-iinuman ang apat na suspect.

Nabatid na nagdidikit ng campaign posters ang ilang kabataan nang sitahin ng mga lasing at pagbawalan sa pagdidikit dahil bawal umano ang kanilang kandidato sa lugar.

Nagsumbong naman ang mga kabataan kay Pelanga na nasa loob ng Barangay Hall. Pinuntahan nito ang mga suspect na noon ay patuloy na nag-iinuman at sinita sa ginawang pagbabawal sa mga kabataan. Pinansin din ng kagawad ang ginagawang pag-inom ng mga suspect sa kalsada.

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa isa sa mga suspect ang naglabas ng itak at pinagtataga ang magkapatid. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AGRIPINO LACTA

BARANGAY HALL

DANILO GARCIA

DEXTER RAMOS

DITO

ERIC PELANGA

ERWIN BAUTISTA

JUN BORJA

MIGUELIN ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with