^

Metro

Ginang patay sa warning shot ng pulis

-
Minalas na nasawi ang isang ginang nang tamaan ito ng isang ligaw na bala buhat sa warning shot ng isang pulis na umawat sa isang away ng dalawang lasing, kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa United Doctors Medical Center ang biktimang si Marilou Obena, 32, ng 1035 Matimyas St. Sampaloc, Maynila.

Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation sa loob ng kanyang bahay ang suspect na si PO3 Rolando Ramo, miyembro ng Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force sa Camp Crame, Quezon City.

Sa ulat ni WPD-Homicide division chief, Senior Inspector Alex Yanquiling naganap ang insidente dakong alas-12:40 ng madaling-araw sa kahabaan ng Matimyas St.

Nabatid na nagkaroon ng komosyon sa lugar makaraang mag-away sa gitna ng pag-iinuman ang dalawang lalaki.

Dito naglabasan ang mga kapitbahay kabilang si Obena upang mag-usyoso.

Dumating naman ang pulis na si Ramo na armado ng kanyang 9mm na baril at umawat sa dalawang lasing. Nang hindi siya pansinin, nagpaputok ito ng warning shot kung saan tinamaan si Obena sa mukha.

Sinabi ni Ramo na hindi niya sinasadya na makatama dahil na nais lamang talaga niyang umawat. Hindi nga umano niya alam na nakabaril siya kaya kampante pa siya na umuwi sa kanilang bahay. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DRUGS-SPECIAL OPERATION TASK FORCE

MARILOU OBENA

MATIMYAS ST.

MATIMYAS ST. SAMPALOC

MAYNILA

OBENA

QUEZON CITY

RAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with