^

Metro

Bitay sa magkapatid na sangkot sa 'Binondo massacre'

-
Kamatayan ang inihatol kahapon ng Manila Regional Trial Court (RTC) sa dalawa sa apat-katao na pumaslang sa mag-asawang Intsik at sa tatlong iba pa na tinawag na ‘Binondo Massacre’ noong 1996.

Ibinaba ni Manila RTC Judge Reynaldo Alhambra ng Branch 53 ang hatol na kamatayan sa magkapatid na Alfredo at Noli Estrella na napatunayang ‘guilty’ sa pagpatay at pagnanakaw sa mag-asawang Edwin, 29; at Vivian Keh, 28, katulong na si Mary Ann Quina, 18; at dalawang security guard na sina Bernardo Pastrana, 40; at Patricio Corpin, 30.

Prison mayor o pagkakulong naman ng anim na taon ang parusa kina Danilo Quinoba at Romeo Truelda na napatunayang sangkot lamang sa pagnanakaw sa mag-asawang Keh.

Sa rekord ng Korte, noong Sept. 7, 1996, puwersahang pinasok ng apat ang tinitirahan ng pamilya Keh sa Metalex Bldg. sa #321 San Nicolas St., Binondo, Manila.

Hiningi ng apat na salarin ang salapi ng pamilya bago itinali ang mga kamay at paa saka pinagsasaksak. Gayundin ang sinapit ng katulong na si Quina na tinadtad ng saksak sa loob ng kuwarto nito.

Pinagsasaksak din ang mga guwardiyang sina Pastrana at Corpin nang harangin ng mga ito sa pagtakas ang apat na dumaan sa garahe ng gusali.

Nakalimas ng P100,000 cash at alahas ang mga salarin mula sa mga biktima.

Binalewala ng Korte ang alibi ng magkapatid na Estrella na nasa bahay sila ng kanilang kapatid sa Geronimo St., Sampaloc nang maganap ang krimen.

Natukoy din na ang pangunahing salarin na si Alfredo ay dating guwardiya ng pamilya Keh subalit dahil sa pagkakaroon ng alitan ay sinibak ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALFREDO

BERNARDO PASTRANA

BINONDO MASSACRE

DANILO QUINOBA

GEMMA AMARGO

GERONIMO ST.

JUDGE REYNALDO ALHAMBRA

KEH

KORTE

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with