Japanese engineer tinadtad ng saksak

Tadtad ng saksak at patay na nang matagpuan ang isang mechanical engineer na Japanese national ng hindi pa nakikilalang suspect nang matagpuan ito kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Isao Shiozawa, 42, ng Barangay Olympia ng nabanggit na lungsod. Nabatid na dalawang taon na itong naninirahan sa bansa.

Mabilis namang nagsitakas ang mga hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.

Nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng Hapones sa loob ng kanyang kuwarto ng kanyang live-in partner na si Maria Liezle Vergara.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ang kaso. Hindi pa rin matiyak ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagpaslang sa dayuhan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments